Friday, October 7, 2016

Edukasyon ay Mahalaga

" Edukasyon ay Mahalaga"


                       Edukasyon o ang Pagtuturo ay kinaiilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan. Ito ay ang pagbabahagi sa ibang tao ang kanilang mga kaalaman, mabuting panghusga at karunungan.

                        Ang unang layuning ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay at mga impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito rin ay humuhubog sa ating mga kaisipan, damdamin at ang pakikisalimuha sa kapwa. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuting mga pangyayari sa ating mundo at kapaligirang ginagalawan

Bakit nga ba mahalaga ang Edukasyon ?                      
                      Ang edukasyon ay mahalaga para sa bawat mamamayan kasi kapag ang isang mamamayan ay nakatapos ng pag-aaral mas malawak ang kanyang kaisipan at makakatulong ito sa pagpapaunlad ng isang bansa. Ang edukasyon ay isang daan tungo sa pagiging matagumpay ng isang partikular na tao o bansa kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon maaring maging mahirap para sa kanilang abutin ang pag unlad.

Bakit kailangan ng mga kabataan ang Edukasyon ?
            
                      Ang edukasyon ay kinakailangan ng mga kabataan at nararapat magkaroon ng edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha nila sa kanilang paaralan. Ito ang kanilang magiging sandata upang maharap nila ang mga bagay na mararanasan nila sa kanilang kinabukasan. At dahil sila ang pag-asa ng bansa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang sapat na edukasyon na kinakailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.

                     

1 comment:

  1. 1xbet korean Betting Rules
    In the 2×2 game, 2×2 Bet can be played with 4 1xbet korean teams in two partnerships, each player can place งานออนไลน์ a bet and the following are the 메리트 카지노 주소 best-performing cards:

    ReplyDelete